Lunes, Hulyo 14, 2014

Ang kultura o kaugalian ng mga kabataang pilipino ngayon : Ano nga ba ang kaugaliang ikinikilos at kulturang ginagalawan ng mga batang Juan ngayon?

      Totoo ngang malaki ang pinagkaiba ng kaugalian o kulturang nakasanayan noon kaysa sa mundong kinamulatan ng mga kabataan ngayon , kagaya na lamang sa sistema ng pagtuturo ng mga guro. Hindi na gumagamit ng marahas na paraan ang mga pangalawang nanay sa pag linang sa kaalaman ng mga batang Juan.
       Kung titignan , sobrang laki ng ng kaibahan kung pano mamuhay ang mga kabataang juan noon sa mga modernong anak ngayon at hindi maikakaila na malaki ang kontribusyon ng teknolohiya sa mga pag babagong ito. Ang pagkatuklas o pagkatuto ng mga batang juan sa paggamit ng teknolihiya ay maraming naging epekto lalo na pag dating sa kanilang kaugalian at kultura, merong nakasama at meron namang naka buti.
        Facebook, Twitter, Yahoo , Wattpad, Tumblr, Google ilan lamang iyan sa mga pinakausong tinatambayan ng mga batang juan. Dota, Crossfire, LOL, yan ang mga halimbawa ng mga larong kinalilibangan nila ngayon. 
         Ang masamang naidulot nito ay kanila itong kina-aadikan, minsan nagagawa nilang mag sinungaling masunod lamang ang nais nilang laruin , Naging marahas din sila dahil minsan ay kanila itong naisasabuhay , ang mga ganitong klaseng laro ay patayan kaya di malayong mangyari na maka apekto ito sa kanilang utak.
          Ang mabuti namang epekto nito sa mga kabataan ay naging bukas ang kanilang isip sa pagtuklas ng bagong ideya upang mas mapalawak pa ang kanilang isipan at kaalaman sa mga bagay-bagay , nagagamit din nila ito sa paraan ng pakikipag kapwa at pakikipag kaibigan.   

           Tunay ngang nasa palad ng mga kabataan ang pag unlad ng ating bayan , at wag sana nating biguin ang ating pambansang bayani sa kanyang sinabi na ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan.